PSN Probinsiya ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Encounter: 6 sundalo patay, 4 sugatan

Sa pahayag ni AFP Western Mindanao Command Chief Lt. Gen. Carlito Galvez Jr., nakasagupa ng mga sundalo ng Army’s 18th Infantry Battalion ang grupo nina Abu Sayyaf sub–leader Siar Alhamsirol at Parong Tedi sa liblib na  bahagi ng nasabing lugar. File

NORTH COTABATO, Philippines — Anim na sundalo ang na­patay habang apat ang na­sugatan makaraang magsagupa ang militar at te­roristang Abu Sayyaf Group sa kabundukan ng Barangay Upper Cabengbeng sa bayan ng Sumisip, Basilan noong Miyerkules ng hapon.

Sa pahayag ni AFP Western Mindanao Command Chief Lt. Gen. Carlito Galvez Jr., nakasagupa ng mga sundalo ng Army’s 18th Infantry Battalion ang grupo nina Abu Sayyaf sub–leader Siar Alhamsirol at Parong Tedi sa liblib na  bahagi ng nasabing lugar.

Samantala, base naman sa ibang impormasyon, sinasabing hindi grupo ng te­roristang Abu Sayyaf Group  ang nakasagupa ng militar kung hindi mga armadong miyembro ng Moro Islamic Leberation Front (MILF).

Ayon sa grupo ng MILF, pumasok daw sa kanilang teritoryo ang mga sundalo kaya nauwi sa matinding sagupaan.

Tumagal ng apat na oras ang bakbakan kung saan anim na sundalo ang na­patay habang apat pa ang sugatan.

Pansamantalang hindi muna tinukoy ng opisyal ang pagkakakilanlan ng mga sundalong napatay.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Ang mga residente naman ang nagpapatotoo na teritoryo ng MILF ang pinasukan ng mga sundalo pero pinabulaanan ito ng militar sa Basilan.

Ang ganitong insidente ay ilang beses na ring ma­ririnig na nagaganap sa mga military operation sa Basilan kung saan nagiging basehan ng grupo ng MILF na kailangan nilang labanan ang tropa ng sundalo upang maprotektahan ang kanilang teritoryo.

Sa ngayon ay limitado pa ang ibinibigay na impormasyon ng Joint Task Force Basilan ukol sa nasabing pangyayari.

Ang Western Mindanao Command (WestMinCom) ay wala pa ring nailabas na pahayag o anumang detalye.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: