PSN Probinsiya ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

P1-M marijuana nasamsam

MANILA, Philippines — Umaabot sa P1 milyong halaga ng marijuana ang nasabat ng mga tauhan ng Philippine Marines at pulisya  sa isinagawang pagsalakay sa bulubunduking bahagi ng Barangay Napnapon, bayan ng Palimbang, Sultan Kudarat kamakalawa. Base sa ulat, sinabi ni 1st Lieutenant Orchelyn Bobis, civil military operations officer ng Marine Battalion Landing Team (MBLT) 6, sinalakay ng mga awtoridad sa pamumuno ni Lt. Col. John Manuel Cortez ang plantasyon ng marijuana. Nasamsam ang 5,000 puno ng marijuana, bulto ng mga binhi na aabot sa milyong piso ang halaga. Nabatid na nadiskubre ang taniman ng marijuana sa liblib na lugar na natunton sa pakikipag-ugnayan sa komunidad ng Philippine Marine troops. Gayunman, walang naarestong cultivator sa malawak na plantasyon ng marijuana na pinaniniwalaang nakatakas kasama ang may-ari na si Momot Sakay.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: