PSN Probinsiya ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Katiwala sa piggery, nilikida

NORTH COTABATO, Philippines — Patay sa araw mismo ng kanyang kaarawan ang 49-anyos na katiwala sa piggery matapos itong barilin ng hindi kilalang lalaki sa Purok Rizal, Barangay San Jose, Koronadal City sa South Cotabato kamakalawa ng gabi. Napuruhan sa ulo ang biktimang si Rodelio Arandia ng nasabing barangay. Base sa ulat ng pulisya, nagtipun-tipon at may kasayahan sa likurang bakuran ng bahay ng biktima dahil birthday nito. Kasama umano ng biktima ang mga kaibigan at kaanak. Nagulat ang ilang bisita nang makarinig ng malakas na putok ng baril sa loob ng kubo sa likod ng kanilang bahay. Dito na natagpuan ang biktima na may tama sa ulo.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: