PSN Probinsiya ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Agriculturist itinumba ng tandem

Edgar Araña.

NORTH COTABATO, Philippines — Pinabulagta ang 57-anyos na municipal agriculturist matapos itong ratratin ng riding-in-tandem assassins sa kahabaan ng highway sa Sitio Napanlan, Barangay Poblacion sa bayan ng Arakan, North Cotabato kahapon ng umaga. Base sa police report na nakarating kay P/Supt. Bernard Tayong, kinilala ang napatay na si Edgar Araña, hepe ng Department of Agriculture sa nasabing bayan. Sa inisyal na pagsisiyasat, patungong Barangay Poblacion ang biktimang nagmomotorsiklo nang sundan at ratratin ng tandem bandang alas-8:30 ng umaga. Blangko ang mga imbestigador ng pulisya sa motibo ng gunmen.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: