PSN Probinsiya ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

1 dedo, rider sugatan sa pamamaril

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines — Napatay ang 26-anyos na babae habang sugatan naman ang kasamahang Indiano makaraang pagbabarilin ng hindi kilalang lalaki sa kahabaan ng provincial road sa Barangay Tapi sa bayan ng Lupi, Camarines Sur noong Martes ng umaga. Kinilala ng pulisya ang napatay na si Mary Jane Saniano habang isinugod naman ng MDRRMC-Lupi ang foreigner na si Dupinder Singh, 30 anyos, kapwa nakatira sa nasabing barangay. Sa police report na nakarating sa Camp Simeon Ola, magkaangkas sa motorsiklo ang mga biktima nang biglang pagbabarilin ng gunman. Nang sumemplang ang mga biktima, tinangay ng gunman ang motorsiklo ng dalawa at ginamit sa pagtakas.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: