PSN Probinsiya ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

3 utas, 4 grabe sa road mishaps

CAVITE, Philippines — Tatlo-katao ang namatay habang apat naman ang malubhang nasugatan sa naganap na magkahiwalay na sakuna sa tatlong lugar sa lalawigan ng Cavite kamakalawa at kahapon ng umaga.

Base sa police report na nakarating sa Camp Pantaleon Garcia, si Allan Columna Almonte na sinasabing nagbibisikleta nang masalpok ng pampasaherong jeepney (DXC453) ni Ireneo Perez sa kahabaan ng Arnaldo Highway sa Barangay Pasong Camachile 1 sa General Trias City, Cavite kahapon ng umaga.

Samantala, namatay din si Salvador Ortacio makaraang salpukin ng Toyota Innova (VFA953) ang kanyang traysikel sa kahabaan ng C.M Delos Reyes Avenue sa Barangay Banay banay, bayan ng Amadeo, Cavite, kamakalawa ng hapon.

Arestado at pormal na kinasuhan ang driver ng Innova na si Roberto Llaguno, 53, ng St. John Corner Timothy Road South Charbel sa Brgy. Sampaloc 4, Dasmariñas City, Cavite.

Namatay naman ang motorcycle driver na si Gener Espinosa makaraang sumalpok sa kasalubong na trike ni RJ Santiago sa kahabaan ng Governors Drive sa Barangay Malainen Bago, bayan ng Naic, Cavite kamakalawa ng gabi.

Malubha naman ang mga sakay ng trike na sina Gregorio Sales, 60, ng Barangay San Roque; Bobby Calesin, 28; Lawrence Calesin, 23, mga nakatira sa Brgy. Munting Mapino at ang driver ng trike na si Santiago. Nabatid na tumusok sa katawan ni Espinosa ang ilang bakal na lulan ng trike sa naganap na sakuna.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: