PSN Probinsiya ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Misis, tatay inutas ng mister

NORTH COTABATO, Philippines — Kamatayan ang sinapit ng mag-ama sa kamay ng dating ka-live ng babae makaraang pagsasaksakin dahil sa matinding selos sa naganap na karahasan sa Purok 5, Barangay Pag-asa sa bayan ng Mlang, North Cotabato, kahapon ng umaga.

Base sa police report na nakarating kay P/Supt. Bernard Tayong, kinilala ang mag-ama na sina Bonifacio Tubo Monta at Flordeliza Monta.

Arestado naman ang suspek na si Antonio Lacabe, 38, ng Riverside, Brgy. La Suarte, at dating ka-live-in ni Flordeliza.

Nabatid na sinuyo ng suspek ang dating ka-live-in para makipagbalikan subalit ‘di pumayag si Flordeliza.

Gayunman, dahil sa kahihiyan ay nag-amok ang suspek kung saan inunda­yan ng saksak si Flordeliza at ang tatay nito.

Sugatan naman sina Chairman Gerardo Jugilon at Romeo Penida Parcia na rumesponde para pumagitna sa gusot ng idamay ng saksak ng suspek.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Naaresto naman ang suspek sa tulong na rin ng mga pulis na rumesponde.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: