^

Probinsiya

Bisita sa inuman, itinumba

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon

CAVITE  , Philippines  —  Napatay ang bisitang lalaki na nakipag-inuman sa okasyon ng mga konsehal makaraang pagbabarilin ng pulis at tserman sa panibagong karahasang naganap sa Costa Verde Subd. sa Barangay Tejeros, bayan ng Rosario, Cavite kahapon ng madaling araw. Kinilala ang napatay na si  Dexter Wanie habang tinutugis naman ng pulisya ang mga suspek na sina SPO2 Bernard Camposanto ng Costa Verde Subdivision; at Chairman Ronald Victor ng  Barangay Ligtong III sa nasabing bayan. Base sa police report na nakarating sa Camp Pantaleon Garcia, nakipag-inuman ang biktima sa dalawang suspek kasama ang mga opisyal ng lokal na pamahalaan nang sumiklab ang pagtatalo sa pagitan nina Wanie, SPO2 Camposanto at Victor na sinasabing mga lango na sa alak. Gayunman, sa hindi nabatid na dahilan ay pinagtulungang ratratin ang biktima saka tumakas ang dalawang suspek.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with