^

Probinsiya

Biyudo kinatay ng mag-aama

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon

QUEZON , Philippines  —   Nagmistulang kinatay na hayop ang katawan ng 40-anyos na biyudo makaraang pagtulungang tagain ng mag-aama sa pakikipag-inuman sa Sitio Hacienda Maloles, Barangay Sta. Catalina Sur, bayan ng Candelaria, Quezon kamakalawa ng gabi. Kinilala ang napatay na si Roger Tuzon ng Sitio Arco Maloles habang pinaghahanap naman ang mga suspek na sina Agosto Landicho, 29; Raymond Landicho, 22; Celvin Landicho, 23; at si Leodegario Landicho, 39. Base sa ulat ang pulisya, nakipag- inuman ang biktima sa mga suspek saka nagpaalam na uuwi makaraang malango.Subalit makalipas ang 15-minuto ay muling bumalik ang biktima sa bahay ng mga suspek kung saan kinulit na mag-inuman muli. Gayunman, nairita ang mga suspek na pawang lango na rin sa alak hanggang sa mapagtripang pagtatagain ang biktima. Narekober a crime scene ang mga tsinelas ng mga suspek at dalawang  itak na sinasabing ginamit sa krimen.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with