Katiwala sa plantasyon, nilikida
NORTH COTABATO , Philippines — Napatay ang 46-anyos na katiwala ng Lacatan Banana Plantation matapos itong pagbabarilin ng ‘di-kilalang gunman sa Purok 4, Barangay Gaunan sa bayan ng M’lang, North Cotabato, kamakalawa ng hapon.
Napuruhan sa leeg at ulo ang biktimang si Dominador Mateo Diaz Jr., sinasabing katiwala ni Robert Santuyo sa plantasyon.
Base sa police report na nakarating kay P/Chief Insp. Rolly Oranza, hepe ng Mlang police station, nagpapahinga sa kubo ang biktima nang lapitan at pagbabarilin ng gunman bandang alas-3:30 ng hapon.
Narekober sa crime scene ang ilang basyo ng bala ng cal. 45 pistola habang patuloy naman ang pagsisiyasat.
- Latest