^

Probinsiya

2 utas sa pamamaril sa palengke

Rhoderick ­Beñez - Pilipino Star Ngayon

KIDAPAWAN CITY  , Philippines  —  Dalawa-katao ang napatay habang dalawa naman ang nasugatan sa naganap na pamamaril ng isang manyakis na nanghipo ng puwet ng isang misis sa pamilihang bayan sa Barangay Poblacion, bayan ng Pikit, North Cotabato noong Lunes ng umaga.

Sa ulat na nakarating kay P/Chief Insp. Romy Castanaras, hepe ng Pikit police station, kinilala ang mga napatay na sina Sammy Emba, magsasaka, ng Pagagawan, Maguindanao at Hamsa Pagayao, vendor, ng Brgy. Nalapaan sa bayan ng Pikit.

Sugatan naman ang misis ni Emba na si Rahima Wahab at ang magsasakang si Din Alagasi Budtong.

Batay sa ulat ng pulisya, bumibili ng second hand cellphone ang mag-asa­wang Sammy at Rahima nang hipuan ng suspek na si Abdulnasir Malimbato sa puwet si Rahima.

Gayunman, pumalag ang mister ni Rahima, hanggang sa nagkasuntukan ang suspek at si Emba.

Tumulong din sa panggugulpi sina Pagayao at Budtong na inundayan ng bugbog ang suspek kung saan bumunot naman ng baril ito saka niratrat ang mga biktima.

Mabilis namang isinugod ang mga sugatan sa pagamutan subalit si Sammy ay namatay habang ginagamot sa Cruzado Medical Hospital habang si Pagayao ay namatay naman sa Cotabato Regional Hospital.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with