^

Probinsiya

Kotse sumalpok sa puno: 4 bulagta

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Apat-katao ang namatay habang dalawa naman ang nasugatan makaraang sumalpok sa punungkahoy ang kanilang kotse sa Roxas City, Capiz kahapon ng madaling araw.

Idineklarang patay sa ospital ang mga pasaherong sina Johnbert Chi­ngo, 29; Patrick James Llave, 20; Jomer Baes, 20; at si Bryan Macalintal, 21, binawian naman ng buhay habang ginagamot.

Patuloy namang ginagamot ang mga nasugatang sina Gurparkash Singh, driver ng kotse; at Joy Gico, 22, isa ring pasahero.

Sa police report na nakarating sa Camp Crame, sinabi ni P/Supt. Gilbert Gorero, spokesman ng Police Regional Office (PRO) 6, naitala ang insidente bandang alas-2:40 ng madaling araw sa Brgy. Baybay malapit sa hilera ng mga restaurant, bar at beach resort sa nasabing lungsod.

Kasalukuyang minamaneho ni Singh ang itim na Mitsubishi Mirage (ABS-3623) patungo sa hilagang direksyon nang rumampa ito sa gutter at sumalpok sa puno ng niyog.

Lumabas sa imbestigasyon na nagmula sa inuman ang mga sakay ng kotse at pauwi na nang maganap ang trahedya.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with