PSN Probinsiya ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Mag-asawa, 3 anak nilamon ng apoy

Kinilala ang mga namatay na sina Kim Abelita, 42; Lilibeth Palen Abelita, guro; at kanilang mga anak na sina Kim Lynde Abelita, 10; Kim Maveric, 6; at si Kim Rianna Abelita, 3. File

MANILA, Philippines — Kalunus-lunos na kamatayan ang sinapit ng mag-asawa at tatlo nitong anak makaraang makulong sa kanilang bahay na nasunog sa Purok 4, Barangay 3 sa bayan ng San Francisco, Agusan del Sur noong Lunes ng gabi.

Kinilala ang mga namatay na sina Kim Abelita, 42; Lilibeth Palen Abelita, guro; at kanilang mga anak na sina Kim Lynde Abelita, 10; Kim Maveric, 6; at si Kim Rianna Abelita, 3.

Halos nagmistulang uling ang mga biktima dahil sa grabeng pagkasunog ng kanilang katawan.

Sa ulat ng San Francisco Fire Marshal na naisumite sa Camp Crame, naitala ang insidente pasado alas-11 ng gabi bago maghatinggabi kamakalawa habang ang pamilya Abelita ay magkakatabing natutulog sa kanilang bahay.

Ayon sa imbestigasyon, nagising ang padre de pamilya na nababalutan na ng  makapal na usok ang kanilang bahay kung saan nagawa pang makalabas ng nasabing mister.

Gayunman, muling bu­malik sa loob ng kanilang bahay si Kim upang iligtas ang kaniyang misis at tatlong anak.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Nabigo nang makalabas ng bahay ang nasabing mister at kaniyang pamilya dahil masyadong malaki ang apoy at nagliliyab na ang buong kabahayan.

Samantala, lumilitaw naman sa imbestigasyon na natumbang nakasinding kandila sa altar ang sanhi ng sunog.

Umaabot naman sa P.3 milyong halaga ng ari-arian ang napinsala dahil gawa lamang sa mahihinang  uri ng materyales ang bahay habang patuloy naman ang imbestigasyon.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: