^

Probinsiya

Senior citizen tinodas ng pulis

Rhoderick ­Beñez - Pilipino Star Ngayon

NORTH COTABATO, Philippines — Napaslang ang 63-anyos na lolo na sinasabing nagwala sa kanilang lugar matapos itong barilin ng pulis na kapitbahay sa Barangay San Isidro, Koronadal City, South Cotabato, kamakalawa ng gabi. Kinilala ang napatay na si Renato Losbanes habang sumuko naman ang suspek na si PO3 Sanny Jan Rabite, 33, binata, nakatalaga sa Lutayan police station sa Sultan Kudarat. Sa salaysay ni PO3 Rebite, ipinagtanggol lamang niya ang sarili dahil sa tangkang pananaksak ng biktima na sinasabing nagwawala. Narekober sa crime scene ang walong basyo ng baril. Nabatid na isinugod pa ni PO3 Rebite ang biktima sa South Cotabato Provincial Hospital subalit idineklarang patay.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with