Drug suspek tiklo sa P.4-M ‘damo’
NORTH COTABATO, Philippines — Kalaboso ang 25-anyos na drug suspek makaraang makumpiskahan ng P.4 milyong halaga ng marijuana sa inilatag na anti-drug operation ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa liblib na bahagi ng Purok 4, Barangay Sumalili sa bayan ng Arakan, North Cotabato, kamakalawa ng umaga. Pormal na kinasuhan ni Gil Cesario P Castro, PDEA regional director ang suspek na si Jerome Tulosan Sofia na nakumpiskahan ng 2, 000 fully grown marijuana at 100 marijuana seedlings. Kaagad namang sinunog ang mga nasamsam na puno ng marijuana na nasamsam sa inilatag na anti-drug operation.
- Latest