^

Probinsiya

‘Kaanak’ ni Digong sakote sa droga

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines — Kalaboso ang bagsak ng sinasabing kaanak ni Pangulong Rodrigo Duterte at kasabwat nitong kababayan sa Marawi City makaraang mahulog sa ikinasang anti-drug ope­ration ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa bahagi ng Melvin Jones football grounds sa Baguio City kamakalawa.

Kinilala ni PDEA Cordillera Director Edgar Apalla ang mga inaresto na sina Jaymark Duterte, 17; at Abdul Malik Ampaso, 27, tubong Marawi City kung saan nakatira ang mga kaanak ng Pangulo sa ina.?

Ayon kay Apalla, pinaniniwalaang sangkot sa ma­laking sindikato ng droga ang dalawa dahil sa ma­laking supply ng shabu ang ikinakalat nila sa  nasabing lungsod at lalawigan ng Benguet.?

Nasamsam sa mga suspek ang dalawang plastic sachet ng shabu (5 gramo) na may street value na P25,000.

Ang dalawa ay naaresto sa tinutuluyang Crystal Cave, Bakakeng Central sa nasabing lungsod.?

Gayunman, walang direktang kalaaman ang PDEA kung paano naging kamag-anak ng suspek na Duterte ang Presidente.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with