^

Probinsiya

Asawa ni Omar Maute, 6 anak, arestado

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
Asawa ni Omar Maute, 6 anak, arestado

MANILA, Philippines — Naaresto na ng mga awtoridad ang misis ng napatay na teroristang lider na si Omar Maute at ang anim nilang anak sa Iligan City kahapon ng umaga.

Ang pagsalakay ay isinagawa ng pinagsanib na puwersa ng Joint Task Force Ranao at Iligan City police kahapon ng umaga sa bahay ni Minhati Madrais na isang Indonesian national matapos na makatanggap sila ng utos na arestuhin si “Alyas Baby”

Subalit kinalaunan ay nadiskubre na ang Alyas Baby na ito ay siya rin si Madrais kung saan narekober mula sa bahay sa Steele Makers Subdivision sa Sitio Baraas, Barangay Tubod, Iligan City ang iba’t ibang materyales sa paggawa ng explosive device at ang expired passport nito.

Ayon kay P/Chief Supt. Timoteo Pacleb, regional director ng Police Regional Office 10, nasa kustodiya na rin ng mga awtoridad ang anim na anak ng mag-asawang Maute kung saan dalawa ang lalaki at apat ang babae.

Nakikipag-ugnayan na sila sa City Social Welfare and Development para sa pansamantalang mag-alaga sa mga bata.

Si Madrais ay inaresto sa bisa ng warrant of arrest, search warrant  and seizure order number 1 na ipinalabas ng militar.

Matatandaan na si Omar Maute at ASG leader Isnilon Hapilon ay napatay sa final assault ng militar noong October 16 sa pagtatapos ng Marawi City Siege kaya idinineklara na rin liberated ni Pangulong Duterte ang nasabing lugar.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with