^

Probinsiya

Police station niratrat ng NPA

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Niratrat ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) ang himpilan ng pulisya sa bayan ng Gubat, Sorsogon kamakalawa ng gabi. Sa ulat ng  Police Regional Office V na naisumite sa Camp Crame, dakong alas-9: 26 ng gabi nang paulanan ng bala  ng mga rebelde ang Gubat Municipal Police Station sa nasabing lalawigan. Mabilis namang nagdepensa ang mga pulis na nagbabantay hanggang sa maitaboy ang nang-harass na grupo ng mga rebelde patungo sa direksyon ng Brgy. Buenavista. Sa nasabing insidente ay nagtamo ng mga tama ng bala ang likurang bahagi ng police station. Kaugnay nito, inalerto na ang mga himpilan ng pulisya sa Bicol Region laban sa mga rebeldeng NPA na maaring magsagawa pa ng patraydor na pag-atake. Magugunita na ito ang ikalawang pag-atake sa bayan ng Gubat matapos namang una nang salakayin ng mga rebelde ang isang police outpost na ikinasawi ng isang pulis noong Sept. 2017.

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with