^

Probinsiya

Mag-ama arestado sa arms cache

Pilipino Star Ngayon

BULACAN, Philippines — Kalaboso ang mag-ama makaraang makumpiskahan ng iba’t ibang uri ng armas at bala sa inilatag na operasyon ng pulisya sa Barangay Biclat sa bayan ng San Miguel, Bulacan kamakalawa ng umaga. Pormal na kinasuhan ang mga suspek na sina Pedro Avelino, 63; at Ruel Avelino, 36, negosyante at kapwa residente sa nasabing barangay. Base sa ulat nina P/Chief Insp. Joseph Nandu Jr. at P/Chief Insp. Adelon Caacbay ng CIDT-Bulacan, sinalakay ang mga bahay ng mag-ama sa bisa ng search warrant na inisyu ni Judge Victoria Fernandez-Bernardo ng RTC Branch 18 sa Malolos City. Nasamsam ang 12 gauge shotgun, dalawang cal.38 revolver, cal. 9mm pistol at mga bala na walang kaukuilang papeles. Base sa tala ng pulisya, si Ruel ay sinasabing miyembro umano ng Hunter’s Group na may sangkot sa gun-for-hire at gunrunning sa nasabing bayan.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with