^

Probinsiya

2 Cafgu todas sa ambush

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Napatay ang dalawang sundalo ng Citizen Armed Forces Geographical Unit makaraang tambangan ng mga armadong kalalakihan sa liblib na lugar sa bayan ng Sumisip, Basilan kamakalawa ng umaga. Kinilala ang mga biktima na sina Samie Jairulla at Abdulla Tabjili. Sa ulat ng Joint Task Force Basilan na naisumite sa Camp Aguinaldo, naganap ang insidente sa bisinidad ng Barangay Kaumpamatsaken bandang alas-7:50 ng umaga. Ayon sa ulat, magkaangkas sa motorsiklo ang dalawa para bumili ng supply na bigas at iba pang pagkain nang tambangan ng mga armadong lalaki pagsapit sa nasabing lugar. Bago tumakas ng gunmen ay tinangay pa ang dalawang M16 rifles ng mga biktima saka lumayo sa crime scene patungo sa direksyon ng kagubatan.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with