^

Probinsiya

Stude utas sa motorbike crash

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines — Bulagta at wakwak ang mukha ng 17-an­yos na estudyante matapos sumalpok ang minamanehong motorsiklo sa steel railings sa gilid ng highway sa Barangay San Antonio, bayan ng Burgos, Isabela kamakalawa ng gabi. ?

Sa report ng pulisya, hindi nakalkula ng biktimang si John Dave Alejo ang kurbadang bahagi ng highway habang nagmomotorsiklo pauwi sa bayan ng Gamu.

Sinasabing nagmula sa laklakan ang binatilyo ng nagdaang gabi nang mangyari ang sakuna su­balit dakong alas-5 na nang umaga ito natagpuan na isa nang matigas na bangkay.

Idiniretso na lamang sa punerarya ng mga rumesponde ang biktima habang nilukot na lata ng sardinas ang nadisgrasya nitong motorsiklo na sinasabing pag-aari ng kanyang ama.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with