^

Probinsiya

6 nawawalang mangingisda, nasagip

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Anim na mangingisda na may tatlong araw nang nawawala  matapos na lumubog ang kanilang nawasak na bangka sanhi ng masamang lagay ng panahon sa paghagupit ng bagyong Ramil ang nasagip sa karagatan ng  West Philippine Sea , ayon sa ulat kahapon. Ang mga nasagip ay sina Rey Etrata, Bryan Cuaresma, Nilo Etrata, Noriex Bragado, Jun Collo at Alejandro Escalona Jr. Sina Tajon at tatlong iba pa ay nailigtas ng dumaraang cargo vessel  na M/V Kerrisdales General cargo ship na pinangangasiwaan ni Captain Ernesto Caballero habang palutang-lutang ang mga bangka sa malalim na bahagi ng karagatan. Sa report ng Region 1 Police, ang nasabing cargo vessel ay patungong Incheon, South Korea nang madaanan ang mga mangingisda na nakalutang sa karagatan habang nangungunyapit sa nawasak na bahagi ng kanilang bangka na ginawa nilang salbabida habang ang iba ay nasagip naman ng mga nagdaraang lokal na mangingisda sa  bahagi ng  karagatan ng Cabugao malapit sa Ilocos Norte kamakalawa.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with