^

Probinsiya

Motorsiklo sinuwag ng bus: 2 patay

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Dalawa katao kabilang ang isang negosyante ang nasawi makaraang aksidenteng masalpok at makaladkad pa ng isang pampasaherong bus ang kanilang sinasakyang motorsiklo sa Bambang, Nueva Vizcaya nitong Biyernes ng mada­ling araw.

Sa ulat ng Nueva Vizcaya Police, kinilala ang mga biktima na sina  Primitivo Aydalla Jr., 40 anyos, negosyante at driver ng motorsiklo at backrider nitong si Ronnie Boy Resco, 21 taong gulang.

Ayon sa imbestigasyon, bandang alas-12:10 ng tanghali habang bumabagtas sa national highway sa Brgy. Almaguer North, Bambang ang Florida bus (TB 0731) na minamaneho ni Edmund Ayon-ayon, 52, nang biglang tumawid ang humahagibis na motorsiklo sakay ang magkaangkas na sina Aydalla at Resco.

Bunga nito, tuluy-tuloy na nabangga ng pampasaherong bus na sa kamalasan ay nakaladkad pa ng 50 metro ang motorsiklong sinasakyan ng mga biktima.

Ang pampasaherong bus ay patungong Tuguegarao City, Cagayan nang mangyari ang sakuna.

Nagawa pang maisugod sa Nueva Vizcaya Provincial Hospital ang dalawa pero kapwa idineklarang dead-on-arrival. Joy Cantos/Victor Martin/Raymund Catindig

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with