^

Probinsiya

Habal-habal driver nilikida ng NPA

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon
Habal-habal driver nilikida ng NPA

LEGAZPI CITY, Albay , Philippines  —  Bulagta ang 44-anyos na habal-habal driver matapos itong pagbabarilin ng mga rebeldeng New People’s Army sa kahabaan ng provincial road sa Barangay Cantoria sa bayan ng Monreal, Masbate noong Miyerkules ng umaga. Napuruhan sa ulo ang biktimang si Cipriano Galicia ng Sitio Cambarong, Barangay Poblacion. Sa police report na nakarating sa Camp Simeon Ola, inihatid ng biktima ang kanyang pasahero sa Barangay Maglambong nang abangan at ratratin ng mga rebelde pagsapit sa nasabing lugar. Nang masigurong patay na ang biktima saka tumakas ang mga rebelde patungo sa makahoy na lugar. Narekober sa crime scene ang 16 basyo ng bala ng cal. 45 pistol.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with