^

Probinsiya

Senglot natulog sa ilalim ng dyipni, pisak

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon

TUGUEGARAO CITY, Cagayan  , Philippines  —  Pisak ang ulo ng 16-anyos na binatilyo na nakatulog sa ilalim ng pampasaherong jeepney dahil sa pagkalango sa alak matapos itong magulungan habang pinaandar ng driver ang sasakyan sa Barangay 1 San Joaquin, bayan ng Sarrat, Ilocos Norte kahapon ng umaga. ?Sa report na nakarating kay P/Chief Insp. Dexter Corpuz, tagapagsalita ng Ilocos Norte police, hindi napansin ng drayber na si Bienvenido Basug  ang biktimang si Esmoel Rasay na nasa ilalim ng jeepney kaya nito pinaandar at painitin ang makina dahil sa madilim pa dakong alas-5:45 ng umaga.? Aarangkada na sana si Basug upang umpisahan ang Sarrat - Laoag City na biyahe nang marinig nito ang malutong na pagkapisak ng bungo ng binatilyo. Patay agad ang biktima habang dinakip naman ng mga pulis si Basug na nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting in Homicide.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with