^

Probinsiya

3 estudyante nilamon ng ilog

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Kamatayan ang sinapit ng tatlong estudyanteng babae matapos na malunod habang lumalangoy sa malalim na bahagi ng Dimachikchik River sa Sitio Demegan, Brgy. Salvacion sa bayan ng Busuanga, Palawan noong Miyerkules.

Kinilala ang mga biktima na sina Laiza Mayo, 21, Grade 12; Catherine Apolinario, 13, Grade 7; at si Katrina  Apolinario, 12, Grade VI.

Ayon kay Eugene Cabrera, director ng Office of Civil Defense bandang alas -2:15 ng hapon nang mangyari ang insidente sa nasabing ilog.

Sinabi ni Cabrera, tina­ngay ng malakas na agos ang mga biktima matapos na mapagawi sa malalim na bahagi hanggang sa tuluyang lamunin ng ilog.

Tinangka pang sagipin ng kanilang mga pinsan ang mga biktima pero nabigo dahil na rin sa malakas na agos ng ilog.

Matapos  ang ilang oras ay narekober ang  katawan ng tatlong biktima nang lumutang sa ilog.

Samantala, ang masamang lagay ng panahon na nagdulot ng malalakas na pagbuhos ng ulan ay binaha naman ang ilang apektadong lugar sa Region IV B, ayon pa sa opisyal.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with