18 NPA rebs sumuko
MANILA, Philippines — Umaabot sa 18 rebeldeng New People’s Army (NPA) na sinasabing nairita sa maling ideolohiya na kanilang ipinaglalaban ang nagdesisyon sumuko sa militar sa bayan ng Senador Ninoy Aquino, Sultan Kudarat kahapon. Ayon kay Army’s 33rd Infantry Battalion Commander Col. Harold Cabunoc , ang mga nagsisukong rebelde na bitbit ang kanilang mga armas ay miyembro ng Guerilla Front 73 ay pormal na iprinisinta ni 1st Lt. Austin John Jamora, commanding officer ng Alpha Company kay Mayor Randy “Junjun” Ecija Jr. “The NPA surrenderees voluntarily turned themselves in to the government authorities due to the fear of being caught in the massive combat operations that will be launched against the communist rebs”, pahayag ng opisyal. Kaugnay nito nanawagan naman ang opisyal sa iba pang rebelde na magsibaba sa kabundukan at magbalik-loob sa gobyerno.
- Latest