^

Probinsiya

Mag-asawa pisak sa killer trak

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon

LEGAZPI CITY, Albay  , Philippines  —  Kalunus-lunos na kamatayan ang sinapit ng mag-asawang rider makaraang masaga­saan ng 10-wheeler truck habang tatlo naman ang nasu­gatan sa karambola ng tatlong motorsiklo sa kahabaan ng Maharlika Highway sa Purok 7, Barangay Sipi sa bayan ng Daraga, Albay noong Linggo ng gabi.

Kinilala ang mag-asawang namatay na sina Norvin at Susan Magallon, mga nakatira sa Barangay San Vicente Grande sa nasabing bayan.

Base sa police report na nakarating kay P/Chief Insp. Arthur Gomez, hepe ng investigation division ng Albay Police Station, tinangkang mag-overtake ng motorsiklo ng mag-asawa sa sinusundang truck (CUW-158) ni Marlon Arago ng Tiaong, Quezon subalit sumalpok ito sa kasalubong na motorsiklo (8449-IW) ni Onil LLaneta ng Brgy. Peñafrancia.

Sumalpok naman ang motorsiklo ni Llaneta sa kasalubong na motorsiklo ni Adonis Rodriguez na kaangkas naman si Gladys Kim Remolasyon ng Brgy.Paniman, Caramoan, Camarines.

Nabatid na pumailalim sa trak ang motorsiklo ng mag-asawang Magallon na kapwa nagulungan habang sugatan ang dalawa pang rider at angkas.

Sumuko naman sa mga pulis ang driver ng truck na si Arago na nahaharap sa kasong kriminal.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with