^

Probinsiya

14 todas kay ‘Paolo’ sa Zambo

Rhoderick ­Beñez - Pilipino Star Ngayon

NORTH COTABATO , Philippines  —   Pumalo na sa 14-katao ang naiulat na namatay sa pa­nanalasa ng Bagyong Paolo sa Zamboanga peninsula.

Batay sa pinakahuling datos na inilabas ng Office of Civil Defense ng rehiyon kung saan 14 na ang namatay sa Zamboanga City.

Ayon kay Jose Eric Castillo, operations officer ng OCD-Region 9, karamihan sa mga namatay ay dahil sa pagkalunod sa tubig-baha habang ang iba ay tinamaan ng kidlat, nakuryente o nabagsakan ng punongkahoy.

Nagdala ng malakas na ulan ang sinasabing super typhoon at nagdulot ng pagbaha sa malaking bahagi ng bansa noong nakaraang linggo.

Kabilang sa mga pinakamalalang nasalanta ay ang Zamboanga City na nagdeklara na ng state of calamity. Nawasak naman ang 641 bahay sa nasabing lungsod.

Nakaalis na si Paolo sa Philippine area of responsibility pero may namataang low pressure area sa labas ng bansa ang maaa­ring maging bagyo sa mga susunod na araw, ayon sa state weather bureau.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with