^

Probinsiya

Bahay ng vice mayor ni-raid, mga armas nasamsam

Rhoderick ­Beñez - Pilipino Star Ngayon

NORTH COTABATO, Philippines — Iba’t ibang malalakas na armas ang nasamsam ng mga awtoridad nang kanilang salakayin ang bahay ng isang bise alkalde sa Palembang sa lalawigan ng Sultan Kudarat sa Brgy. Kolong-Kolong sa nasabing lugar, ayon sa ulat kahapon. Kinumpirma ni P/Chief Insp. Aldrin Gonzales, tagapagsalita ng Police Regional Office (PRO) 12, na nasa kustodiya na ng Provincial Command Sultan Kudarat si Palembang Vice Mayor Haron Sabiwang, 57 taong gulang, may asawa, ng Brgy. Kolong-Kolong, Palembang at dalawang iba pa matapos mahuli sa isinagawang sunud-sunod na operasyon ng pulisya sa Palembang, Sultan Kudarat. Sa bisa ng search warrant, naaresto si Sabiwang. Narekober sa bahay nito. Nasamsam ang isang homemade grenade launcher, 11 live ammunitions ng M203 at isang cal. 45 pistol. Sa sumunod na operasyon kung saan gamit ang warrant of arrest,  nahuli naman sina Abubakar Abdullah Ibrahim ng Brgy. Medol, Palembang at Abdulah Sadam Ibrahim ng Brgy. Badiangon. Nasamsam sa kanila ang cal. 45 pistol na may magazine at 12 rounds live ammunitions.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with