^

Probinsiya

Biker dedo, 2 sugatan sa road mishap

Boy S. Cruz - Pilipino Star Ngayon

BULACAN, Philippines — Nagkalasug-lasog ang katawan ng isang bike driver nang tumilapon at sumadsad ang sinasakyang motorsiklo nito habang dalawa ang nasu­gatan nang banggain pa ang una ng kasunod na motorsiklo sa Brgy. Calasag, San Ildeponso, ng lalawigan kamakalawa ng madaling araw.

Naisugod pa sa Galvez Hospital subalit hindi na umabot pang buhay si Danilo Sevilla, nasa hustong gulang, ng Brgy. Bubulong Malaki sa bayang ito habang ginagamot ang isa pang drayber na si Michael Villena, 26, at nagtamo naman ng galos sa katawan ang backrider nitong si Christian Paul Reyes, nasa hustong gulang, kapwa residente ng Brgy. Lapnit, naturang bayan.

Sa imbestigasyon ni PO2 Ariel Bernardo, dakong ala-1:10 ng madaling araw habang matuling binabagtas ni Sevilla ang kalsada sa Brgy. Calasag lulan ng pag-aaring motorsiklo na Yamaha Novu (4994-CQ) nang pagsapit sa lugar ay nawalan siya ng kontrol sa sasakyan saka sumadsad sa kalsada at tumilapon ng ilang metro.

Nagkataon namang nasa likurang bahagi ang isa pang sasakyang Euro Motorcycle na walang plaka na sinasakyan nina Villena at Reyes kung kaya hindi na nakaiwas pa dahil sa tulin ng takbo hanggang sa mawalan din ito ng kontrol na naging dahilan upang sumadsad din at sa kamalasan ay tumama sa katawan ni Sevilla. Agad silang isinugod sa ospital subalit idineklarang patay si Sevilla.

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with