^

Probinsiya

Bebot na masahista pinabulagta!

Rhoderick ­Beñez - Pilipino Star Ngayon

NORTH COTABATO, Philippines — Isang babaeng massage therapist na nabigong makabalik agad sa kanyang pamilya ang natagpuang patay at may tama ng bala sa ulo sa isang liblib na lugar sa Purok Aquino, Brgy. San Miguel, Norala, South Cotabato kahapon ng umaga.

Kinilala ni P/Chief Insp. Condrado Jovero, hepe ng Norala Police, ang biktima na si Mary Joy De Pedro, 41, ng Brgy. Poblacion, Sto. Niño, South Cotabato.

Sa inisyal na imbestigasyon, galing pa umano ang biktima sa kanyang kliyente sa Purok Pag-asa 2, Brgy. San Isidro, Sto. Niño matapos na magmasahe dakong ala-1:00 noong Sabado ng hapon at nagpaalam sa kanyang live-in partner na magtutungo sa Koronadal City subalit hindi na siya makontak pa.

Kahapon lang ng umaga nang makita ang bangkay ng biktima na duguan at may tama ng bala sa ulo sa isang liblib na lugar sa Purok Aquino, Brgy. San Miguel, bayan ng Norala.

Narekober ang basyo ng bala ng cal. 9mm na ginamit sa pagbaril sa biktima sa lugar.

Inaalam pa ng mga aw­to­ridad ang motibo sa pamamaslang na hinihinala na posibleng kilala ng biktima ang salarin.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with