^

Probinsiya

Mag-anak minartilyo: Ama, sanggol patay ina malubha

Pilipino Star Ngayon
Mag-anak minartilyo: Ama, sanggol patay ina malubha

Base sa ulat ng Mandurriao Police, dakong alas-3:45 ng madaling araw habang mahimbing na natutulog ang mag-anak sa loob ng kanilang tindahan nang pasukin ng suspek na armado ng martilyo. Bigla na lamang pinagpupukpok ng suspek ng martilyo si Muamar subalit dahil katabi rin niya ang sanggol na anak ay tinamaan din ang bata sa ulo dahilan ng agaran nilang kamatayan. File

MANILA, Philippines — Kalunus-lunos ang si­na­pit ng isang mag-anak matapos na pasukin ng isang lalaki sa kanilang tindahan at pagpupukpukin ng martilyo habang natutulog na ikinasawi ng negos­yanteng ama at 5-buwang sanggol na anak habang nasa malubhang kalagayan ang ina ng bata sa Mandurriao Plaza, Iloilo City kahapon ng madaling-araw.

Kinilala ang mag-amang nasawi na sina Muamar Di­tingki, 29-anyos, at anak na sanggol na si Mohamed habang sugatan ang misis nito na si Asnifah, 28-anyos, ng Zarraga, Iloilo City.

Agad namang naaresto ang suspek na si Mark Ganava,19, ng Brgy. Mamba­gaton, Himamaylan, Neg­ros Occidental at pansa­mantalang nakatira sa Brgy. Calajunan, Mandurriao.

Base sa ulat ng Mandurriao Police, dakong alas-3:45 ng madaling araw habang mahimbing na natutulog ang mag-anak sa loob ng kanilang tindahan nang pasukin ng suspek na armado ng martilyo. Bigla na lamang pinagpupukpok ng suspek ng martilyo si Muamar subalit dahil katabi rin niya ang sanggol na anak ay tinamaan din ang bata sa ulo dahilan ng agaran nilang kamatayan.

Nagawang manlaban si Asnifah sa suspek subalit nagtamo siya ng matin­ding putok sa ulo at pasa sa katawan na inoobserbahan ngayon sa opsital. 

Lumalabas sa imbestigasyon na nanuntok pa ang suspek sa isang vendor na si Asillah Disamburun na kanyang nakasalubong.

Ang mag-asawang Di­tingki ay nabatid na may negosyong mga RTW sa Plaza Mandurriao. 

Patuloy na inaalam ng pulisya ang motibo ng suspek sa krimen.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with