^

Probinsiya

Quarry site inatake ng NPA, 6 heavy equipment sinunog

Rhoderick ­Beñez - Pilipino Star Ngayon

NORTH COTABATO , Philippines  — Pinaniniwalaang mga kasapi ng New People’s Army (NPA) ang nanunog ng apat na backhoes, isang pay loader at isang dump truck sa isang quarry site sa Brgy. Bonbon sa Butuan City kahapon ng madaling araw. Sa report, nasa 30 mga armadong kalalakihan ang sinasabing sumalakay at nagsunog ng anim na mga heavy equipment. Ayon sa isa sa mga backhoe drivers na si Loloy Abulo, ginising sila ng mga suspek habang natutulog sa tinutuluyang bunkhouse sa quarry site ng Brgy. Bonbon at ipinakita pa sa kanila ng mga rebelde ang kanilang pagbuhos ng dalawang galon ng gasolina sa mga equipment bago ito tuluyang silaban. Sa kabuuan, tatlong backhoes at isang dump truck ang buong natupok habang bahagyang nasunog ang isang pay loader at isa pang backhoe. Kahit ang isa sa mga may-ari ng nasabing mga heavy equipment na si Ali Martinez ay blangko pa sa motibo ng panununog dahil wala umano siyang natatanggap na komunikasyon mula sa anumang grupo.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with