^

Probinsiya

Tulak todas sa tandem

Boy Cruz - Pilipino Star Ngayon

BULACAN , Philippines  — Isang lalaki na sinasabing nagtutulak ng shabu at sangkot din sa holdapan ang nasawi matapos na pagbabarilin ng dalawang lalaking lulan ng motorsiklo sa Brgy. Alagao, San Ildefonso ng lalawigan kamakalawa. Na­puruhan sa ulo at katawan na nagresulta ng agarang kamatayan ng biktimang si Reynaldo Mojica, 47, residente ng Brgy. Alagao sa naturang bayan. Kaagad namang tumakas ang mga suspek patungo sa hindi nabatid na direksyon lulan ng isang motorsiklo at bitbit ang ginamit na armas. Sa ulat ni SPO3 Dennis Diaz, dakong alas-5:30 ng hapon habang naglalakad ang biktima sa naturang kalsada papauwi sa kanyang bahay nang biglang dumating ang isang hindi nabatid na uri at plaka ng motorsiklo lulan ang dalawang suspek. Nang mapalapit sa biktima ang mga suspek ay dito na huminto at binunot ng backrider ang kanyang armas saka pinaputukan ng ilang beses ang biktima na duguang bumulagta sa kalsada. Nang masigurong wala nang buhay agad na tumakas ang mga salarin. Nakatutok ang imbestigasyon ng pulisya sa anggulong onsehan sa partehan ng drug money ang motibo ng pamamaslang.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with