^

Probinsiya

Motor sumemplang: Rider, stude patay

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon

CAVITE , Philippines  — Isang rider at estudyanteng angkas nito sa motorsiklo ang kapwa patay makaraang sumemplang ang kanilang sinasakyang motorsiklo at magulungan ng pampasaherong jeep kahapon ng madaling araw sa kahabaan ng Bucandala 3 Road, Imus City. 

Kinilala ng pulisya ang mga biktima na sina Christian Paul Laceda Bondoc, 27, may asawa, self-employed, ng B5 L10, Hamilton Homes, Bucandala 3, Imus City,  at Mark Russel Malawit, 16-anyos, estud­yante residente ng B10 L35, Hamilton Homes, Bucandala 3, Imus City. 

Hawak naman ng pulis­ya ang driver ng jeep na si Fernando Hernandez,, 40 anyos, residente ng B2 L39 Golden Villas Subdivision, Carsadang Bago II, Imus City na nakasagasa sa dalawang tumilapon na biktima.

Sa imbestigasyon ni PO2 John Carlo Punzalan, alas-3 ng madaling araw habang magkaangkas ang dala­wang biktima sa kulay itim na Yamaha Mio na minamaneho ni Bondoc, at backride nito ang 16 anyos na estudyante at binabagtas ang nasabing lugar nang bigla silang sumemplang dahil sa madulas na kalsada. Mabilis silang sumadsad sa kabilang kalsada kung saan paparating naman ang Isuzu Jitney (DJM 972) na minamaneho ni Hernandez.

Bunga nito, tuluyang na­sa­gasaan ang dalawang biktima na naging dahilan ng matin­ding sugat at pagkabali na inabot sa kanilang katawan. 

Kapwa naitakbo sa paga­mutan ang mga biktima suba­lit idineklara silang patay pagkarating sa hospital.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with