^

Probinsiya

2 binata na-depress nagpakamatay

Pilipino Star Ngayon

SANTIAGO CITY, Isabela, Philippines — Dalawang binata ang nasawi matapos na kapwa magpakamatay sa pamamagitan ng pagbigti at pagtalon sa gusali ng isang mall sa magkahiwalay na lugar sa lalawigan ng Cagayan kamakalawa.

Kinilala ang mga biktima na sina Christopher Teodoro, 29, ng Centro 10, Tuguegarao City at Aris Otrillo, 23, ng Brgy. Catugan, Lallo, Cagayan.

Ayon sa ulat ng pulisya, si Teodoro ay nasawi sa Cagayan Valley Medical Center matapos isugod ng mga rumespondeng tauhan ng Rescue 111 ng Tuguegarao City makaraang tumalon sa ika-4 na palapag ng The Mall of the Valley sa nasabing lungsod dakong alas-10:00 ng umaga.

Dakong ala 1:00 naman ng hapon nang matagpuan ang wala nang buhay na katawan ni Ortillo na nakabitin sa isang sanga ng puno sa tabi ng kanilang tahanan.

Ayon sa mga kaanak nina Teodoro at Otrillo, kapwa dumaranas ng matinding depresyon ang dalawa sa mga nakalipas na mga araw bago ang kanilang pagpapakamatay.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with