^

Probinsiya

Magsasaka dinedo sa inuman

Rhoderick ­Beñez - Pilipino Star Ngayon

NORTH COTABATO, Philippines — Napaslang ang magsasakang nakikipag-inuman matapos itong pagsasaksakin ng kanyang kainuman sa Purok 8, Barangay Poblacion sa bayan ng President Roxas, North Cotabato kamakalawa ng gabi. Kinilala ni P/Chief Insp. Andres Sumugat, hepe ng Pres. Roxas police station ang biktima na si Alyas Boyet Milla habang sumuko naman sa pulisya ang suspek na si Jaypee Flores Ontial. Ayon sa police report, nag-iinuman ang biktima kasama ang iba pang kaibigan sa bahay ng suspek nang sumiklab ang pagtatalo kaugnay sa pagkakapatay sa dalawang terorista. Nauwi sa rambulan ang mainitang pagtatalo ng grupo hanggang sa masaksak ng suspek ang biktima. Nagtamo ng matinding sugat sa katawan ang biktima na agad isinugod sa ospital subalit idineklarang patay.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with