^

Probinsiya

Lolo iniwan ni lola, grinanada ang sarili

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Pinaniniwalaang  ma­tinding depresyon ang dumapo sa 64-anyos na lolo na kinalasan ng kanyang misis kaya kusa itong nagpasalubong kay kamatayan matapos nitong pasabugin ang sarili sa Barangay San Vicente, bayan ng Tungawan, Zamboanga Sibugay noong Miyerkules ng gabi.

Sa ulat ni P/Chief Insp. Helen Galvez,  police regio­nal spokesperson, ang biktimang si Placido Francisco ay natagpuang nakabulagta na putol ang mga kamay, warak ang katawan at mukha bunga ng lakas ng pagsabog ng granada.

Sa imbestigasyon, bandang alas-9 ng gabi nang mag-suicide ang magsasakang biktima sa kanilang bahay sa Purok 1 sa nabanggit na barangay.

Lumilitaw sa imbestigas­yon na labis na dinamdam ng biktima ang pangyayari matapos itong iwan ng kaniyang misis na tumuloy sa bahay ng anak nitong babae sa Barangay Lower  Tungawan.

Nabatid na ang granada  ay pag-aari ng anak nitong Cafgu na nakatago sa kuwarto.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with