PSN Probinsiya ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Ilocos Sur niyanig ng magnitude 5.1 na lindol

MANILA, Philippines — Isang magnitude 5.1 na lindol ang tumama sa lalawigan ng Ilocos Sur ngayong Huwebes ng hapon.

Naitala ng Philippines Institute of Volcanology and Seismology ang sentro ng lindol sa 35 kilometro hilaga-kanluran ng Santa Catalina, Ilocos Sur ganap na 3:06 ng hapon.

Naramdaman ang Intensity V sa Sinait, Ilocos Sur, habang Intensity IV naman sa Magsingal, Ilocos Sur at Bangued, Abra.

Intensity III naman ang naranasan sa Vigan City; Santa at San Esteban, Ilocos Sur; Pasuquin Solsona at Carasi, Ilocos Norte; Tuguegarao, Cagayan; Flora and Flora, Apayao.

Wala namang naitalang pinsala ang Phivolcs ngunit nagbabala sa posibleng pagtama ng aftershocks.

 

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: