^

Probinsiya

Mag-ina sinalpok ng motorsiklo

Rhoderick ­Beñez - Pilipino Star Ngayon

NORTH COTABATO, Philippines — Patay ang 44-anyos na misis matapos itong mabundol ng motorsiklo sa bahagi ng circumferential road sa Barangay Upper Bulanan, bayan ng Midsayap, North Cotabato kahapon ng umaga. Kinilala ng pulisya ang biktima na si Luzviminda Camay ng Barangay Lawili Aleosan, North Cotabato. Nasa ligtas namang kalagayan ang batang si Sheila Rose na kalong ng kanyang ina na ngayon ay nagpapagaling sa pagamutan sa Cotabato city. Batay sa ulat ng pulisya, aksidenteng nabundol ng motorsiklo ang mag-ina habang tumatawid sa nasabing lugar. Nakakulong naman ang driver ng motorsiklo na si Archie Komisyon, 22; at kaangkas na kaibigang si Eugene Paul Cañete, 24, mga nakatira sa Barangay Arizona sa nasabing bayan.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with