Minero patay sa gas poisoning
TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines — Tigok sa gas poisoning ang 27-anyos na minero matapos mahulog sa may limang metrong lalim na butas sa loob ng abandonadong minahan sa Sitio Luneta, Barangay Loacan, bayan ng Itogon, Benguet noong Martes. Sa police report na nakarating kay P/Chief Insp. Carol Lacuata, spokesperson ng Cordillera police office, namamaga ang leeg ng biktimang si Rene Bontiyek Degma na tubong Besao, Mountain Province matapos na makalanghap ng natural gas. Iniahon ng mga mamamayan ang bangkay ng biktima at idinala sa ospital para sa post-mortem examination.
- Latest