^

Probinsiya

70 modified tambutso ng motorbike, kumpiskado

Rhoderick ­Beñez - Pilipino Star Ngayon
70 modified tambutso ng motorbike, kumpiskado

Aabot sa 70 modified tambutso ng motorsiklo ang pinasaga­saan sa payloader habang nakamasid naman ang ilang tauhan ng traffic section ng Koronadal City sa South Cotabato. Rhoderick Beñez

NORTH COTABATO, Philippines — Aabot sa 70 modified tambutso ng motorsiklo ang dinurog ng mga awtoridad makaraang pasagasaan sa payloader sa Koronadal City, South Cotabato noong Martes ng umaga.

Ayon kay Koronadal City Police Traffic Section Chief SPO3 Arnel Falcis, ang mga modified tambutso ay nakumpiska sa nakalipas na apat na buwan.

Bukod sa maingay na tambutso ay kinumpiska naman ang motorsiklo

Binigyan diin ni Falcis na ang pagkumpiska ng bora bora o open pipe mufflers ay bilang kabahagi ng pinaigting na kampanya ng pulisya at lokal na pamahalaan laban sa maiingay na tambusto ng motorsiklo.

Bukod sa nakadadag­dag sa polusyon ay ma­kaapekto rin sa kalusugan ng mga mamamayan ang sobrang ingay ng mga open pipe ng motorsiklo.

Tiniyak ni Falcis na mag­papatuloy pa rin ang pagkum­piska ng city traffic section sa mga open pipe na motorsiklo.

Sinabi ni Falcis na ibabalik lamang nila ang mga nakumpiskang motorsiklo kapag naikabit muli ng mga may-ari ang orihinal na tambutso ng mga ito.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with