^

Probinsiya

18-anyos lumaklak ng asido, kritikal

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon

CAVITE  , Philippines  —  Kasalukuyang nakikipaglaban kay kamatayan ang 18-anyos na dalaga na sinasabing may matinding problema sa pamilya kaya ito nagtangkang mag-suicide matapos itong lumaklak ng muriatic acid sa pamosong Island Cove Hotel and Leisure Park sa Barangay Pulborista sa bayan ng Kawit, Cavite kahapon ng umaga. Naisugod naman sa Kawit Medical Center ang biktimang si Maurine Joyce Barcilla ng  #297 Juan Munti, Villanueva Street sa Barangay Toclong sa Imus City, Cavite. Sa imbestigasyon ni SPO2 Roldan Requioma, bandang alas-11 ng umaga nang matagpuan ng hotel attendant ang biktima na nakahandusay sa pathway ng nasabing leisure park. Kaagad naman naisugod sa nasabing ospital ang biktima na sinasabing nasambit nito na lumaklak siya ng asido para wakasan ang kanyang buhay. Patuloy naman inaalam ng pulisya ang motibo sa tangkang pagpapakamatay ng biktima.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with