^

Probinsiya

Engineering stude lunod sa talon

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nauwi sa trahedya ang pagbabakasyon ng grupo ng mga estudyante matapos na malunod sa talon ang 19-anyos na 3rd year engineering student sa bayan ng Tuba, Benguet kamakalawa ng hapon. Kinilala ang biktima na si Brosnan Alec Nuñez na may kursong Electrical Engineering sa Adamson University  at nakatira sa United Nations Avenue, Maynila. Sa police report na nakarating sa Camp Crame, naganap ang insidente sa Colorado Falls, Twin Peaks sa bayan ng Tuba sa nasabing lalawigan. Nabatid na nagtungo sa Baguio City ang grupo ng mga estudyante ng Adamson University mula sa Maynila para mag-trekking at mag-camping sa iba’t-ibang lugar sa Benguet. Gayunman, habang naglilibot ang mga ito sa Colorado Falls ay nag-dive ang biktima sa talon pero nabigong lumutang sa loob ng ilang oras. Humingi naman ng tulong ang mga kasamahang estudyante sa mga awtoridad at inireport ang insidente.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with