^

Probinsiya

75-anyos lolo kinatay ng pinsan

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon

TUGUEGARAO CITY, Cagayan , Philippines  —   Patay ang 75-anyos na lolo matapos itong pagsasaksakin ng kanyang pinsang senglot na kapitbahay sa Barangay Salamague, bayan ng Iguig, Cagayan kamakalawa. Kinilala ni PO2 Dexter Peralta ang napatay na si Domingo Erro habang ang suspek na kanyang pinsan na si Evaristo Garduque, 57, ay nadakip naman ng mga pulis.? Lumalabas sa imbestigasyon na sinugod ng matanda ang suspek tangan ang bago nitong hasang itak saka nanghamon ng duwelo.? Dahil sa kalasingan at katandaan ay nagawa ng nakababatang suspek na agawin ang itak ng matanda saka ito itinuhog sa tiyan ng biktima. ?Isinugod ng mga kaanak ang lolo sa Cagayan Valley Medical Center subalit idineklarang patay. ?Sinasabing may matagal nang alitan ang magpinsan kaugnay sa inggitan sa pamilya.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with