^

Probinsiya

Stepmom grinanada ng anak, utas

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Stepmom  grinanada ng anak, utas

Kinilala ang namatay na si Jocelyn Bakiki, 47-anyos, ina-inahan ng suspek at residente ng Purok 3, Brgy. Mercedes sa nasabing ba­yan ng Dimataling. File

MANILA, Philippines — Halos magutay ang katawan ng 47-anyos na ina-inahan habang sugatan naman ang mag-ama makaraang hagisan ng granada ng pasaway na anak na sinasabing kinastigo ng kanyang ama sa bayan ng Dimataling sa Zamboanga del Sur kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang namatay na si Jocelyn Bakiki, 47-anyos, ina-inahan ng suspek at residente ng Purok 3, Brgy. Mercedes sa nasabing ba­yan ng Dimataling.

Isinugod sa Margosatubig Regional Hospital ang mga sugatang sina Barangay Kagawad Mami Bakiki, ama ng suspek at kapatid nitong si Abnerabbe Bakiki, 14.

Nasakote naman ang suspek na si Jomar Bakiki, 27.

Batay sa ulat ng pulis­ya na naisumite sa Camp Crame, naganap ang insidente sa kusina ng bahay ng pamilya bandang alas-7:45 ng gabi.

Ayon sa imbestigasyon, naghahapunan ang mga biktima nang dumating ang pasaway na suspek na nakainom ng alak kaya sinermunan at kinastigo ito ng kaniyang ama.

Gayunman, padabog na pumasok sa kaniyang kuwarto ang suspek at kinuha ang nakatagong granada ng ama kung saan paglabas nito ay tinanggalan ng safety pin at inihagis sa mga kumakaing biktima.

Agad namang isinugod sa pagamutan ang mga biktima pero idineklarang patay sa pagamutan ang stepmom matapos na napuruhan ng pagsabog ng granada.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with