Rider pisak sa SUV
CAVITE, Philippines — Bulagta ang 32-anyos na motorcycle rider na sinasabing sumemplang at tumilapon matapos itong masagasaan ng SUV sa Barangay Salawag sa Dasmariñas City, Cavite kamakalawa ng gabi. Naisugod naman sa Dasmariñas City Medical Centre subalit idineklarang patay ang biktimang si Jhunel Baleta ng Block 27, Lot 14, Yemen Street sa SMC, Barangay Salawag sa nasabing lungsod. Hindi naman nakilala ang driver ng SUV na mabilis na tumakas. Sa ulat ng pulisya, nawalan ng kontrol sa pagmomotorsiklo ang biktima kaya sumemplang at tumilapon sa kabilang linya ng kalsada. Gayunman, nasagasaan ng SUV na sinasabing hindi naman huminto para tulungan ang biktima. Kasalukuyang nirerebisa ang mga footage ng CCTV camera sa nasabing lugar.
- Latest