^

Probinsiya

Militar vs NPA: Sundalo todas, 1 malubha

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines — Napatay ang 26-anyos na sundalo ng Phil. Army habang kritikal naman ang kasamang sundalo makaraang makasagupa ng militar ang mga rebeldeng New People’s Army sa kabundukan ng Barangay Patiacan, bayan ng Quirino, Ilocos Sur noong Linggo ng hapon. Sa police report na nakarating kay P/Senior Insp. Paul Tadeo, hepe ng Quirino police station, isinugod ng mga sumaklolong opisyales ng barangay ang dalawang sundalo sa Primary Health Care Facility sa Poblacion, Quirino kung saan idineklarang patay si Pfc. Peter John Villanueva ng Macabebe, Pampanga.?Inilipat naman si Pfc. Esmael Michael Mama ng Botolan, Zambales sa Ilocos Training and Regional Medical Center sa San Fernando City, La Union.? Ayon kay Tadeo, dakong alas-2:45 ng hapon nang magkrus ang landas ng militar at mga rebelde sa nabanggit na barangay sa kasagsagan ng buhos ng ulan. Inilatag na ng malawakang dragnet operation ng pulisya upang maharang ang mga rebeldeng nagsiatrasan.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with