^

Probinsiya

Ina minartilyo ng anak, patay

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon

CAVITE, Philippines — Brutal na kamatayan ang sinapit ng isang nanay matapos itong martilyuhin sa ulo ng sariling anak na babae sa kanilang bahay sa Barangay Burol Main sa Dasmariñas City, Cavite kamakalawa ng gabi..

Bandang alas-7:45 ng gabi nang matagpuan ang duguang katawan ng biktimang si Ma. Margarita Belleza  ng Block  27, Lot 14, Aberbin Street sa Chester Place Subd. sa nabanggit na barangay.

Sumuko naman sa pulisya ang suspek na si Maybelle Belleza, 39,  ng nasabing barangay.

Sa imbestigasyon ni SPO1 Elmo Caboboy, ru­mesponde ang pangkat ng pulisya sa nasabing barangay kaugnay sa naganap na krimen.

Nabatid na inamin ng suspek sa kanyang kapitbahay na napatay niya ang sariling ina kung saan ibinalot pa nito sa kumot ang katawan ng matanda.

Narekober sa crime scene ang martilyong gina­mit ng suspek sa krimen habang inihahanda na ang kaukulang kaso laban sa suspek.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with